Zeinab Harake Hindi Napigilan Magalit Kay Skusta Clee Matapos Ipost Ang Picture Ni Baby Bia

Sabado, Hunyo 18, 2022

/ by Lovely

Tila naging sad boy na ngayon si Skusta Clee matapos makatanggap ng pambabash sa magkasunod niyang performance. Nagtrending din sa social media ang pagwalk-out nito sa gitna ng kanyang performance dahil sa pambabash ng mga tao.

Ilang araw din itong naglie low sa social media.

Ngayon muling nagparamdam si Skusta sa kanyang social media. Agaw-pansin ang post nitong picture ni Baby Bia at may caption na miss na niya ito.

Samantala, tila hindi naman ito nagustuhan ni Zeinab Harake. Sa kanyang IG story, sa sobrang galit sinabi ni Zeinab na hindi anak ni Skusta si Baby Bia.

"Awit sa paawa mo boy.. ngayon miss anak potangina burol at libing ni Moon, Bday ni Bia basura kami, habang nambabae ka tama ka na tanginaka nilalabas mo gigil ko eh. Di mo anak si Bia kadiri ka!!!," ayon sa IG story ni Zeinab.



Ang story na ito ni Zeinab ay burado na.

Una nang sinabi ni Zeinab noon na pinuputol na niya ang ugnayan ni Skusta Clee at Bia. Dahil hindi umano deserve ni Bia na magkaroon ng ganung klaseng tatay.

Unang-una, wala umano itong pakialam sa kanilang mag-iina. Ngayon na tila ayaw na sa kanya ng lahat, bumabalik na kay Zeinab.

Ngayon, tila hindi na muling mauuto ni Skusta si Zeinab. Dahil desidido na si Zebby na hindi na balikan si Skusta Clee.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo