Aj Raval Kakasuhan Ni Kylie Padilla?

Huwebes, Hulyo 21, 2022

/ by Lovely

Matapos ang rebelasyon ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa umano’y pagbubuntis ng sexy actress na si AJ Raval, ibinahagi ng kolumnista ang ipinag-aalala niya sa ngayon. Kahit hiwalay na si Aljur Abrenica na itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni AJ, ay kasal pa rin ito kay Kylie Padilla.

Ayon kay Cristy, ang ikinababahala umano niya ay ang mga magsusulsol kay Kylie. Si Kylie pa rin kasi ang legal na asawa ni Aljur. Kaya puwedeng-puwede raw kasuhan ni Kylie sina Aljur at AJ.

“‘Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakakanerbiyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila.”

“Sa pagkakaso kay Aljur damay si AJ Raval,” dagdag pa ng kolumnista.

Kamakailan nga ay ibinunyag ni Cristy ang katotohanan sa umano’y pagkakabuntis ni Aljur kay Kylie.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval.”



Nanindigan din siya na totoo ang kanyang isiniwalat sapagkat hindi umano magagawa ng kanyang source na magsinungaling.

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ. Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito.”

Samantala, nananatiling tahimik tungkol sa isyu sina AJ, Aljur, at maging si Kylie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo