Alex Gonzaga- Insecure Sa It's Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?

Miyerkules, Hulyo 20, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito sa unang araw ng back to back programing ng Lunch Out Loud at It's Showtime sa TV5 noong Sabado, July 16, 2022.

Ayon sa balita may isang buwan pang commitment si Alex sa Lunch Out Loud. Kwento naman ng Kolumnistang si Cristy Fermin, nagbigay umano si Alex ng iba't-ibang dahilan kung bakit nagresign siya sa Lunch Out Loud.

Una, hindi na umano sila ang priority ng TV5 at pangalawa na lamang sila dahil pre-programming na lamang sila ng It's Showtime. Pangalawa, noong pumasok umano si Alex sa Lunch Out Loud ay 2 hours ang show ngayon 1 hour at 45 minutes na lamang. Pangatlo, ang It's Showtime umano ay ABS-CBN pa rin ang tututok at nagpapatakbo. Panghuling rason, plano na umano nilang mag-asawa ang magkaroon ng anak ngayong taon.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo