Anabelle Rama, Nagbigay Ng Warning, Ano Kaya Ito?

Huwebes, Hulyo 7, 2022

/ by Lovely

Nagbigay ng warning ang ina ni Ruffa Gutierrez na si Anabelle Rama na huwag maniniwala sa mga manghuhula. Sabi pa niya sa madlang pipol na huwag basta-basta maniniwala sa mga hula.

Kahit ang anak niyang si Ruffa ay pinagsasabihan umano niya tungkol dito. Adik daw umano kasi si Ruffa na malaman ang hula para sa kanya.

Saad pa niya, "Huwag kayong maniwala d'yan maraming manloloko na manghuhula. Maya't-maya may mga manghuhula na nasa bahay niya. Ruffa walang mangyayari sa manghuhulang 'yan, ka-kwartahan ka lang niyan at ang mahal pang maningil niyan."

Payo pa ni Anabelle sa lahat, para ma-inlab sa kanila ang kanilang natitipuhan ay magdasal lang at mag-effort sa pagsisilbi. Lalong-lalo na sa pagluluto.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo