Matapos maghiwalay, anak ni Pokwang na si Malia dinala na ng ama sa Amerika habang naiwan dito sa Pinas si Pokwang.
Naging hot topic ang hiwalayan ng magpartner na sina Pokwang at Lee Obrian nitong nakaraang linggo. Subalit, ani Pokwang naging maganda naman diumano ang kanilang paghihiwalay at nananatili pa rin silang magkaibigan at magulang para sa kanilang anak na si Malia.
Kaya naman, walang problema kay Pokwang na isinama ni Lee si Malia sa pag-uwi sa America upang ipasyal at pagbisita na rin sa kanyang mga kamag-anak roon. Kasama rin sa byahe ang panganay na anak ni Pokwang na si Mae.
Finally after two years its nana, grand pa and tita mimi time ❤️😘 enjoy lang ate @maesubong and @malia_obrian 😘 see you soon mga anak," post ni Pokwang sa Instagram.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!