Andrea Brillantes Dinedma Ng Ex: Franseth Humamig Ng Suporta Sa Mga Fan

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Sparkle

 

Agad-agad ay humamig ng more than 400,000 ang nag-like, at umabot na sa 7,400 ang nag-comment sa mga photo na pinost ni Seth Fedelin, na kasama si Francine Diaz. Kuha `yon sa story conference ng ‘Dirty Linen’ na pagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo.

“Maraming salamat po sa Itaas at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin. At siyempre, good luck and congrats sa atin Francine Diaz!” bahagi ng caption ni Seth.

At siyempre, hindi nakaligtas sa mga netizen ang pag-comment ni Andrea Brillantes.

“Congrats!” sey ni Blythe, na may asul na puso at emoji na nakatawa.

Umabot naman sa 16,222 ang nag-like sa comment ni Andrea. At 1,623 ang nagkomento.

Pero parang marami pa ring imbyerna kay Andrea, na puro pang-aasar ang sinagot sa kanya.

May mga nag-comment na, ‘tara shot, puno’, na kesyo plastic siya, bitter siya, na kunwari supportive kay Seth, pero galit naman daw ang loob. Duda nga sila sa pa-congrats na `yon ni Andrea.

Pero siyempre, giit naman ng mga fan ni Andrea, walang space sa puso ng idolo nila ang magalit, dahil masaya ito sa piling ni Ricci Rivero. Na kahit sino naman daw ang ibigay kay Andrea, susuportahan nila.

Samantala, “Lesgow!” naman ang sabi ni Francine.

Na siyempre, sinagot ni Seth na, “Rock n Roll” na pinaulanan pa niya ng mga asul na puso.

May nakapansin lang, bakit parang dinedma ni Seth ang comment ni Andrea? Wala kasing lumabas na reply ang binata. O baka dahil sobrang dami ay hindi na nila nahanap pa.

Pero, di ba, kapag naka-follow ka sa isang tao, lalabas ang mga comment niya?

Anong masasabi mo sa balitang ito?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo