Nagmarka sa mga isipan ng mga Pilipino ang pangalang Dick Israel.
Si Dick Israel ay isa sa mga hindi malilimutang artista ng mga Pinoy. Isa siya sa mga mahuhusay na karakter sa Pilipino Movies.
Si Dick Israel ay isinilang noong December 10, 1947. Isa siya sa magaling na kontrabidang aktor na nagpakita rin ng galing sa komedya at drama. Kadalasan niyang ginagampanan ang pagiging support ng ilang sikat na action stars kagaya na lamang kay Fernando Poe Jr.
Sinasabing nasa dugo na ng aktor ang pagiging artista. Isang direktor ang kanyang ama noong nabubuhay pa at dahil dito namulat siya sa industriya ng showbiz. Sa pagsama nito sa kanyang ama nagkaroon siya ng pangarap na maging isa sa mga artista dinidirek nito.
Nagkaroon siya ng pagkakataong matupad ang nasabing pangarap habang nag-aaral siya sa kolehiyo sa kursong Mechanical Engineering. Nabigyan siya ng maliit na role sa pelikulang I Love You Honey na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Bobot Mortiz.
Napansin ang kanyang husay sa pag-arte habang gamit ang screen name na Ariel Israel ngunit kalauna'y pinalitan niya rin ito dahil marami ang nagsasabing malambot ito at hindi bagay sa kanyang tigasing itsura. Dito naisipan ng kanyang manager na mas bagay ang screen name na Dick Israel sa kanyang image.
Habang bumubuo ng pamilya kasama ang kanyang asawang si Marilyn ay nagtuloy-tuloy si Dick sa kanyang karera sa showbiz. Naging aktibo siya sa pelikula at telibisyon dahil sa husay niya sa pag-arte.
Matatandaang, kadalasan sa kanyang ginagampanang role ay isang nanggagahasang kontrabida. Kaya marami rin ang nagagalit sa kanyang mga roles. Ngunit, hindi naman ito pinapansin ni Dick dahil iniisip niya na trabaho lamang ito.
Nagkaroon din si Dick ng mga parangal at pagkilala bilang best supporting actor sa Manila Film Festival para sa pelikulang Patrol Man na ipinalabas noong 1988. Isa pang best supporting actor award sa pelikulang Kanto Boy, Anak ni Totoy Gwapo noong 1994.
Tulad ng ibang mga artista, nalunod din sa kasikatan si Dick na isa sa naging dahilan sa paghihiwalay nilang mag-asawa at nagkaroon ng ibang pamilya. Taong 2010, nagkasakit at na-stroke si Dick na naging dahilan sa pagkahinto niya sa trabaho hanggang maubos ang kanyang mga savings. Naghirap sila at umabot pa sa panahong hindi na kaya ng kanyang pamilya na matustusan ang kanyang pagpapagamot. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng mga naging kasamahan niya sa industriya.
Muling sinubok si Dick ng masunog ang kanilang bahay. Muli na naman siyang humingi ng ayuda sa kanyang mga naging kasamahan. Nang bisitahin ito ng dating kasamahan gaya nina Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, tila hindi na ito makilala dahil sa pagbabago ng katawan nito.
Noong October 2016 ay na cardiac arrest ito na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang buhay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!