Mula noon ay kilala na sa kasaysayan ang angkan ng mga Aquino at Marcos ngunit ang hindi alam ng karamihan ay may nagtatagong pag-iibigan pala sa pagitan nina Imelda at Ninoy Aquino.
Ayon sa ilang mga historians, isang malayong magkamag-anak sina Imelda at Ninoy kaya mga bata pa lamang ay magkakilala na sila. Si Imelda Romualdez ay may tiyuhing nagngangalang, Daniel Romualdez na speaker of the house nang mga panahong iyon. Ito ay ikinasal sa isang Chinese-Kapampangan na isang pinsan ni Benigno Aquino Sr.
Ayon sa kwento ni Professor Xiao Chua, kapag bumibisita umano ang mga Aquino sa mga Romualdez, ang naghahain umano ng soft drinks sa mga bisita ay si Imelda. Sa tuwing may party ay si Ninoy ang laging escort nito sa tuwing sasayaw.
Si Imelda Marcos ay binansagan bilang 'Rose of Tacloban' dahil sa angking ganda nito at husay sa pagkanta. Noong lumipat ang kanilang pamilya sa Manila, nanalo naman si Imelda bilang Miss Manila 1954.
Samantala, isang eligible bachelor naman kung ituring noon si Ninoy Aquino. Mala matinee idol ito noong nasa early 20s pa lamang. Sa panahong iyon, galing si Ninoy sa Korea bilang correspondent ng Manila Times. Sa kanyang pagbalik, binigyan naman agad siya ng trabaho ng kanyang boss, ang pag-eescort sa mga beauty queens sa charity ball.
Dito, muling nagtagpo ang mga landas nila ni Imelda at dito rin nagsimulang ibakuran ni Ninoy si Imelda. Hinahatid sa trabaho nito gamit ang sariling kotse.
Ang kwentong ito ay hindi haka-haka lamang dahil kinumpirma ito mismo ng pamangkin ni Imelda na si Mike Lopez.
Ayon kay Mike, totoong nanligaw umano noon si Ninoy sa kanyang tiyahin na si Imelda. Sa katunayan, nang tanungin niya mismo ang kanyang tiyahin hinggil dito ay umamin ito na nanligaw talaga noon si Ninoy sa kanya.
Isa lamang umano si Ninoy sa mga lalaking nanligaw noon kay Imelda. Katunayan, naging karibal pa umano ni Ninoy sa panliligaw rito ang kapatid ni Cory Aquino. Dahil umano sa kanilang pagiging magkaribal, nakilala naman ni Ninoy ang kanyang naging misis na si Cory Aquino.
Sa puntong iyon, tuluyang nahulog ang loob ni Ninoy kay Cory at hinayaan na lamang si Imelda sa kapatid ni Cory.
Samantala, tila na friend zone naman umano si Imelda kay Ninoy na ikinagalit nito. Ayon kay Imelda, "You know why I hate Ninoy? Because he used to court me but he dropped me like a hot potato when that rich girl came."
Dahil umano sa pagiging probinsyana ni Imelda kaya hindi sineryoso ni Ninoy ang panliligaw rito at labis na nasaktan si Imelda dahil ang ipinalit sa kanya ay isang mayamang babae.
Sa huli, ay wala namang pagsisisi si Imelda dahil dumating naman sa kanyang buhay si Ferdinand Marcos at nagdala sa kanya sa Palasyo ng Malacanang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!