Sa nalalapit na pagtatapos ng longest running teleserye na “Ang Probinsyano” kamakailan ay nagpost sa social media ang screen writer ng GMA7 na si Suzette Doctolero na nilalapa umano ng Lolong ang “Ang Probinsyano”.
Tila hindi pa rin umano nakapagmove on itong si Doctolero na pinataob din ng “Ang Probinsyano” ang karamihan ng kanyang mga isinulat na itinapat noon rito tulad ng Encantadia.
Ngunit ayon sa post ni Suzzete, "Ay pinataob niya ang Encantadia? Hindi. Lumalaban sa ratings ang Enca at madalas ay natatalo nya ang “Ang Probinsyano”, kaya unang nag-announced noon ang “Ang Probinsyano” na sila ay magwawakas na (2016) pero nanloloko lang pala at hindi naman totoo at gusto lang balikan sila ng audience. Gumigimik. Sa totoo lang ay style nila yan na kapag bagsak sila sa ratings ay gigimik sila na magwawakas na pero hindi pala. Susko since 2016 pa ay nagsasabi sila lagi na mag-eend na pero nanloloko. Ayan na naman sila, porke nilalapa sila ng Lolong. Asus tigilan ako. Also, at this point, pinakamatagal pa ring soap ang Daisy Siete na umabot ng 7 years. Tigilan ako! Hahaha. Char!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!