Nagsalita na si Tim Connor, ang lalaki na kasama sa kasong adultery na isinampa ni Victor Consunji laban sa kanyang estranged wife na si Maggie Wilson. Sa Instagram story ni Connor, na kilalang business partner ni Maggie, sinabi nito na hindi siya magpapa-interview hinggil sa isyu ng kaso laban sa kanya.
“For everyone looking for a reaction or an interview from me… You won’t get one,” giit ni Connor.
Tila may patama rin si Connor kay Consunji, kung saan sinabi nitong ‘utter rubbish’ ang mga akusasyon laban sa kanya.
“I don’t stoop so low as to answer complete and utter rubbish accusations out of anger that hold no water. (Unless I am required to do so by law enforcement of that country),” paliwanag pa niya.
Umaasa rin si Connor na maayos na ang gusot sa pagitan nina Victor at Maggie para sa kanilang anak.
“This is not a circus; this is people’s family lives – please respect that,” wika pa ni Connor.
Anong masasabi mo sa mga sinabing ito ni Connor?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!