Umakyat na sa apat ang nasawi sa magnitude 7.3 na lindol sa Abra nitong myerkules, July 27, 2022 bandang 8:43 ng umaga. Naramdaman ito sa National Capital Region at sa ilang karattig lalawigan.
Sa ulat mula sa Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sinabi ng kalihim na dalawa ang nasawi sa Bangued, isa sa Abra at isa sa Mountain Province. Umabot naman sa 60 ang injured.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na umabot sa 7.3 ay naganap 8:43 ng umaga. Ang epicenter nito ay matatagpuan sa bayan ng Tayum sa lalim na 17 km.
Sinabi naman ni Pres. Sec. Trixie Cruz Angeles, na lilipad patungong Abra ang pangulo kung cleared na ang nasabing lugar. Nauna nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council spokesperson na nasawi ang construction worker dahil nahulugan ito ng mga debris.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailan ng mga taong nakatira sa apektadong lugar.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!