Billy Crawford May Inamin Tungkol Kina Anne Curtis at Vice Ganda!

Miyerkules, Hulyo 20, 2022

/ by Lovely

Inamin ng singer at TV Host na si Billy Crawford na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakaka-usap ang mga kaibigan na sina Anne Curtis at Vice Ganda simula nang lumipat siya sa TV5.

Pagbabahagi pa ni Billy, nakausap na umano niya si Vhong Navarro nang magkita silang dalawa. Kahit back to back na ang kanilang mga shows may mga tao pa ring nang-iintriga sa mga ito. Iniisip ng ilan na nagkokopetisyon pa rin ang dalawang shows.

Naniniwala naman si Billy na darting din ang panahon na muli niyang makaka-usap ang mga kaibigan. Sa kabila ng mga intriga, nagpapasalamat pa rin si Billy  dahil may mga naniniwala pa rin sa kanya.

Dagdag pa niya, "We're not here to compete. Nandito kami para magpasaya. Nandito kami para magbigay tulong sa mga manonood. Nagagawa namin iyon at nabibigyan pa kami ng pagkakataon na lakihan ang aming pamilya."

Dalangin naman ng kanilang mga tagahanga na maayos ang anumang gusot sa kanilang pagitan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo