Maraming mga netizens ang nagreact noon sa suot ni Kris na pearl necklace. Sabi ng iba, "May sakit na! Bakit naka-south sea pearls pa na ginagamit sa loob ng bahay."
May ilang netizens naman na nagsasabing ang ilan sa mga suot na alahas ni Kris ay pagmamay-ari ni Imelda ni Marcos. Marami pa raw sa mga alahas ni Imelda Marcos noon na suot-suot ni Kris.
Ngunit, sa aming nakalap na impormasyon ang alahas na suot umano ni Kris ay katulad sa mga alahas ng dating First Lady ngunit hindi ito ang mga iyon. May nakapagsabi rin umano kay Kris na ang pagsusuot ng perlas na alahas ay nakakapagpataboy sa mga negativity sa buhay.
Ang pearl lamang umano ang alahas na may buhay kay ang pearl lamang umano ang pwedeng absorber ng ating buhay. Kaya dahil sa kalagayan ni Kris, naniniwala siya dito at araw-araw na siyang may suot na pear jewelry.
Si Kris ay believer ng mga Feng-sui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang paniniwala.
Sobra na ang pagkapayat ni Kris Aquino sa mga photos na lumabas siguro nahihirapan na talaga ang katawan niya sa kanyang dinadalang sakit. Dagdag pa na nagpositive ito at mga anak nito sa Covid-19. Nangangailangan ngayon ang kanilang pamilya ng taos-pusong panalangin sa tuluyang paggaling ni Kris sa kanyang mga sakit. Nais din ng mga tagahanga nito na bumalik na sa dati ang kalusugan at pangangatawan nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!