Ikinalungkot ni Ogie Diaz ang pagsamba at pagturing bilang bayani ng ilang mga netizens kay Dr. Yumol. Tatlo ang nasawi sa nasabing insidente kabilang ang dating Mayor ng Basilan at marami rin ang sugatan.
Iginiit ng suspek na si Dr. Yumol na ginawa niya ang krimen dahil sa pagkadismaya sa iilang opisyal ng Gobyerno sa pagsupil sa aniya'y talamak na pagkalat ng druga sa nasabing bayan.
Si Dr. Yumol ang pangunahing suspek sa insidente ng pamamaril na nangyari sa Ateneo De Manila University. Tatlong tao ang nasawi kabilang ang dating Lamitan Mayor, Rosita Furigay, isang bodyguard at secrity guard. Marami rin ang nagtamo ng sugat sa nasabing insidente.
Ayon sa suspect, isa umano ang dating alkalde sa mga utak ng mga drug groups na kumikilos sa kanilang bayan.
Pinuri ng ilang mga netizens si Dr. Yumol at sinasabing kabayanihan at para sa bayan ang kanyang ginawa. Ngunit, iba ang pananaw ni Ogie Diaz sa nasabing insidente. Tinanong nito ang mga netizens na pumuri sa supek kung ito pa rin ba ang magiging reaksyon nila kung sakaling mangyari ito sa kanilang pamilya.
"Paano kaya kung sa pamilya nila nangyari ito? Ganyan pa rin kaya andar ng mga utak ng mga hayp na to?"
Ang nasabing supek ay dinakip ng mga otoridad habang tumatakas sa pinangyarihan ng nasabing krimen.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!