Pinabulaanan ni Paul Desiderio ang akusasyon sa kanya ng dating partner na si Agatha Jean Uvero. Nagpahayag ang PBA Star kaugnay sa mga akusasyon sa kanya ng dating partner na si Agatha Uvero. Ito'y matapos isiwalat ni Agatha ang umano'y pang-aabuso sa kanya ni Paul.
Pinabulaanan ni Paul ang mga paratang ni Agatha at sinabing nabigla umano siya rito lalo pa't inaasahan niyang magiging civil sila sa isa't-isa.
Narito ang buong statement ni Paul,
Hindi umano niya magagawang saktan si Agatha lalo pa't ina ito ng anak niya. Sinabi rin ni Paul na handa siyang makipag-cooperate sa investigation at confident din umano ito na maabswilto siya sa nasabing akusasyon.
Matatandaang, inakusahan ni Agatha si Paul ng pang-aabuso sa kanya noong siya ay 2 months pregnant. Ayon din kay Agatha na may mga ebidensya siya ng umano'y pang-aabuso sa kanya ng dating boyfriend.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!