Ibinunyag ng entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz na nagdesisyon ang aktres na si Pokwang at ang asawa nitong si Lee O'Brien na maghiwalay na ng landas.
Ayon kay Ogie, alam niya ang tungkol sa paghihiwalay ngunit nagpasya syang manahimik tungkol dito. Dagdag pa ni Ogie, November 2021 palang ay naghiwalay na sina Pokwang at Lee.
Nang tanungin kung bakit nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay, ito ang masasabi ni Ogie.
"Masalimuot eh. Ang sinabi lang ni Pokwang, ang importante ay hindi kami magkagalit noong naghiwalay kami ni Papang.", sabi ni Ogie.
Dagdag na rebelasyon ni Ogie, nakahiwalay na umano si Lee sa poder ng aktres kasama ang dalawang anak. Sa ngayon nga ay nagsosolo umano ng tirahan si Lee at may hanapbuhay at nakatakda na rin itong umuwi sa Amerika.
Sa detalye pa ng talent manager, naging masalimuot na umano ang takbo ng relasyon ng mag-asawa dahilan para mauwi sila sa pasyang hiwalayan.
Bagaman nakahiwalay na si Lee sa kanyang mag-ina, tila coparenting ang set-up ng dalawa para sa kanilang anak na si Malia.
Taong 2015 nang ikasal ang komedyanteng si Pokwang kay Lee. Pagtitiyak naman ni Pokwang kay Ogie, "okay na Mars, sanay na ako nag-iisa."
Nakafocus ngayon ang 51-years old na komedyante sa kanyang dalawang anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!