Confirmed AJ Raval Buntis sa Anak nila ni Aljur Abrenica!

Martes, Hulyo 19, 2022

/ by Lovely

Kumpirmado na! Artistang si AJ Raval buntis at ang ama ay ang rumored boyfriend  nitong si Aljur Abrenica.

Ilang linggo na ring pinag-uusapan ang balitang pagbubuntis ni AJ Raval. Una itong na napag-usapan nang inanunsyo ni AJ Raval na pansamantala siyang titigil sa pagpapa sexy sa showbiz upang makapag-focus sa pag-aaral.

Hindi naman nakapaniwala ang ilang mga netizens dahil napaka biglaan nito at parang wala sa timing ang kanyang pagtigil dahil nasa kasikatan ito. Imposible umanong walang malaking dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Pinabulaanan naman ni AJ ang isyu ng pagbubuntis niya. Sa katunayan ipinakita pa nito ang kanyang napaka- sexy na katawan nang naging muse siya sa isang team ng PBA. Marahil ay kaya pa nitong itago ang kanyang pagdadalang tao sa panahong iyon.



Ngunit, ngayong araw ay kinumpirma na ni Cristy Fermin ang balitang si AJ ay buntis. 100% umanong masasabi ni Nay Cristy na totoong buntis ito dahil mula sa mapagkakatiwalaang source ang nasabing impormasyon.

Si AJ umano mismo ang umamin sa nasabing source kaya naman nakarating kay Cristy Fermin. Ayon pa kay Cristy, pananagutan naman umano niya ang pagbubuntis ni AJ. Ang problema lamang umano ay ang magiging reaksyon ni Kylie Padilla dahil hindi pa annulled ang kasal nila ni Aljur.

Sa ngayon ay wala pa namang balita kung anong reaksyon ni Kylie sa nasasabing balita.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo