Naglabas ng reaction si Cristy Fermin matapos mapakinggan ang vlog ng isang solid PBBM supporter na si Maharlika.
Tahasang sinabi ni Maharlika na dapat humingi ng tawad ni Kris Aquino kay President Bongbong Marcos.
Si Kris Aquino ang naging paksa ng isa sa mga Marcos Loyalist vlogger na si Maharlika na kasalukuyang nakabase sa America. Ayon kay Cristy Fermin, habang pinapanood nila ang vlog nito malapit na silang tumambling sa kanilang upuan dahil sa matatalim na salitang binitawan nito laban kay Kris.
Ngunit, ayon pa kay Cristy, naiintindihan naman diumano niya kung bakit ganun si Maharlika dahil alam naman ng lahat na mahigpit na magkalaban ang pamilyang Marcos at pamilyang Aquino.
Ang huling update ni Kris sa social media ang itinopic ni Maharlika, itinaon pa umano nito na sa inauguration day ni PBBM ang pagpost nito tungkol sa kanyang kalagayan. Tila hindi umano makakapayag si Kris na kabugin siya ng kahit sino.
Tila masaya umano itong laging napag-uusapan. Ito ang naging komento ng mga netizens sa pagpopost ni Kris Aquino ng update sa mismong araw ng inauguration ni PBBM.
"Kris Aquino, tantanan mo na ang pagpapapansin. May sakit ka na, ikaw na mismo ang nagpost ng mga pictures mo na sobrang buto't balat na ng istura mo at mukhang isang bulate na lang ang hindi pumipirma," ayon kay Maharlika.
Tama na umano ang pagpaparinig sa mga nakalaban mo. Tanggalin na diumano ang galit sa puso. Maging ang mga anak ay dapat ng ilapit sa mga ama nila. Pagpapayo ni Maharlika.
"Lahat ng mga taong sinaktan mo, kailangang humingi ka ng tawad. Maawa ka kina Joshua at Bimby," sabi pa ni Mahrlika.
Sinabi rin ni Maharlika na dapat tigilan na ni Kris ang paglalarawan sa kanilang pamilya na napakalinis dahil kasaysayan lamang ang makapagsasabing kung katotohanan nga ba ang mga sinasabi nito.
Nakakaawa na diumano nito, dahil napakapayat na ng katawan ni Kris. Dapat na rin umano nitong tanggalin ang galit sa puso upang maging payapa sa oras ng paglisan sa lupang ibabaw.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!