Dahilan Nang Hindi Pag-attend ni Gabby Concepcion Sa Kasal Nang Anak Na Si Cloie!

Martes, Hulyo 12, 2022

/ by Lovely

Anak ni Gabby Concepcion na si Cloie Syquia ikinasal na! Ngunit hindi umattend si Gabby doon at tanging si KC lamang ang naroon upang i-congratulate ang kanyang half-sister.



Si Cloie Syquia ay anak ni Gabby Concepcion sa dati niyang asawa na si Jenny Syquia. Siya ay lumaki sa poder ng kanyang ina kasama ang kanyang step-father sa bansang Sweden. Ang kanyang amang si Gabby ay tila walang ideya sa mga nangyayari sa anak dahil sa ngayon siya at ang kanyang pamilya ay nasa Hawaii, USA.

Marahil ay alam naman niya na kasal ni Cloie ngayon dahil nakakapag-usap naman sila ng kanyang panganay na si KC. Ngunit tila hindi pa talaga nagkakaroon ng maayos na communication ni Cloie. Bagama't hindi maayos ang relasyon nina Cloie at Gabby, si KC naman ay patuloy ang closeness kay Cloie.

Sa katunayan, naroon ngayon sa Sweden si KC upang umattend sa kasal ng kanyang kapatid. Sa post ni Kc sinabi niyang masaya siya sa nangyari ngayon sa kapatid na si Cloie. Nagpasalamat din siya sa ina ni Cloie na si Jenny Syquia dahil naging gracious umano ito sa kanyang pagbisita at winelcome umano siya with open arms.

Nagkaroon din siya ng chance na makilala ang mga kaibigan ng kanyang kapatid.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo