Dawn Chang Binatikos Dahil Sa Pakikisawsaw Nito Sa Issue Ni Ella Cruz | Pokwang May Pangaral

Miyerkules, Hulyo 6, 2022

/ by Lovely

Hindi pa rin tinatantanan ng pambabatikos ang aktres na si Ella Cruz matapos ipinahayag ang kanyang opinyon patungkol sa kasaysayan.

Maging ang mga kasamahan nito sa showbiz ay hindi rin nagpapigil. Maging ang mga ito ay nagbigay ng mga negatibong komento laban sa aktres. Kabilang sa mga ito si Pokwang, pinangaralan nito si Ella.

Matatandaang nakasama ni Pokwang si Ella sa programang Aryana kung saan ginampanan nila ang papel na mag-ina sila.

"Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinusuportahan mo, pero sa usaping History, di ako sasang-ayon sayo nak dahil mali! maling mali.. mabuti pang ibalik kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan."



Maging si Dawn Chang ay umalma sa sinabi ni Ella Cruz patungkol sa History. Pasaring ni Dawn Chang kay Ella Cruz, "Mahirap maging pag-asa ng bayan, kung ang ating kasaysayan ay sadyang kakalimutan. As Filipinos, we need to collectively help each other learn the  lessons from the past, so we can have a better future ahead. Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan."



Samantala dahil naman sa pahayag na ito ni Dawn Chang, binabatikos naman siya ng ilang mga netizens at sinabihang nakikisawsaw lamang umano siya sa isyu upang mapansin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo