Idineklara ng young actor na si Diego Loyzaga na isa siyang Marcos Loyalist.
Sa thanksgiving party ng mga BBM supporters nitong Independence Day, inanusyo ni Diego na matagal niyang inasam na maglingkod sa pamilya ni incoming President Bongbong Marcos.
Aniya sa kanyang talumpati:
“Alam ko rin na balang araw, kung puwede kong suportahan ang pamilyang Marcos, susuportahan ko po talaga sila.
“Dumating po yung oportunidad na ‘yon, at kinuha ko po ‘yon, at salamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng oportunidad na gampanan si Presidente Bongbong Marcos sa isang role at sa isang pelikula.
“So I’m happy and thankful to be part of this family, tawagan n’yo rin po akong loyalist po, maraming-maraming salamat.”
Anong masasabi mo sa balitang ito?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!