Pinaghahandaan na nila Marian Rivera at Dindong Dantes ang pagbabalik ng face to face classes ng kanilang mga anak. Aminado ang mag-asawa na may takot parin sila na palabasin ang kanilang mga anak dahil sa banta ng Covid-19.
Ayon sa balita, magbabalik na ang full face to face classes sa lahat ng paaralan sa bansa sa darating na Nobyembre. Fully vaccinated naman na umano ang kanilang mga anak, ayon kay Marian. Naibsan umano ng konti ang pangamba nilang mag-asawa sa pagpasok ng mga anak sa eskwela.
Excited naman umano na si Dingdong sa pagpasok ng kanilang mga anak sa paaralan dahil after 2 years muling makikita ng kanilang panganay ang mga kaibigan nito sa school.
Samantala, bagong experience naman ito para kay Sixto, ang unang pagpasok nito sa school. Ibinahagi rin ni Marian kung gaano kasaya at ka-excited si Sia sa muling pagpasok nito sa school. Kahit pa nararamdaman pa rin ni Marian ang takot sa pagbabalik ng face to face classes. Aminado naman si Marian na kailangan niya itong i-overcome dahil kailangan ng edukasyon ang kanilang mga anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!