Dj Loonyo Napikon Kay Janine Berdin

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Sparkle

 

Nagkainitan sa social media sina DJ Loonyo at Janine Berdin.

Benta sa mga netizen ang bardagulan ng dalawa kaya kapwa sila trending sa Twitter PH nitong Miyerkoles.

Nag-ugat ito matapos umalma ang dancer nang gawing cover photo sa Facebook ng Filipina singer ang “airport meme” niya.

Ang “airport meme” ay isang comic petition na nananawagan na palitan ang Ninoy Aquino International Airport ng “DJ Loonyo International Airport”.

Sa kanyang IG Story, ibinahagi ni DJ Loonyo ang screenshot ng pag-uusap nila ni Janine ukol sa cover photo ng huli.

“Ma’am, sorry. May natitira pa po ba kayong respeto? May nagawa ba ako sayong mali?” sabi ni DJ Loonyo.

Nag-reply dito si Janine at ipinaliwanag na isa lang naman itong meme na tingin niya’y “super funny” at wala siyang intensiyong makasakit.

“Hala, Kuya. Hello po! It’s really just a meme that I found super funny. I found it online. I didn’t really mean any harm. Ano po kaya context ng meme? 🙂 I just thought it meant to change the name of the airport to you.

“Like poking fun 😀 Super random hahaha. Really didn’t mean any harm! I don’t think people found it degrading to you as well po! 🙂 But if you want I could always take it down, Kuya! :),” sey ni Janine.

Ngunit hindi tinanggap ni DJ Loonyo ang paliwanag ni Janine at sa kanya ngang IG Story ay naglabas ng inis ang dancer.

“Nakakatakot yung utak ng mga gantong tao. Pag kayo ginanyan, ISSUE, HEADLINE, AND BASH AGAD. Katuwaan? Tapos bina-bash and pinagti-trip-an yung taong involved? @janineberdin [you’re] better than that for sure. God bless your soul. Weird sh*t,” ani DJ Loonyo.



Tinawanan naman ng mga netizen ang pagiging pikon ni DJ Loonyo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo