Kamakailan ay nag-viral sa social media ang naging pahayag ng dating Kapamilya child actress na si Ella Cruz. Ayon dito, ang History ay maihahalintulad sa Tsismis.
Ngayong araw, July 7, naki-usap si Ella Cruz sa mga bashers na huwag idamay ang kanyang pamilya. Ayon sa kanyang social media post,
"Bash me all you want pero huwag niyong idadamay pamilya ko! Have a little humanity, please!"
Tila ito ang naging sagot ni Ella Cruz sa ilang netizens na nagsasabing, kay 2 percent lang ang nakuhang boto ng kanyang ama, noong May 2022 elections ay dahil umano sa turo niya na 'huwag masyadong matalino sa paaralan'.
Matatandaan, na tumakbo pagka-Mayor sa Angat, Bulacan noong May 2022 elections ang kanyang ama na si Tan-Tan Cruz. Nakakuha lamang ito ng 2.05% na katumbas sa 731 votes. Base ito sa Comelec transparency server noong May 13, 2022.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!