Muling naging usap-usapan sa social media lalong-lalo na sa Twitter ang aktres na si Ella Cruz matapos mapanood ang teaser ng panayam nito kay Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel.
Muling binabatikos ngayon ang aktres ng mga netiezens dahil sa paglalabas nito ng sama ng loob sa interview tungkol sa pinagdadaanang intriga kamakailan. Matatandaang, hindi nagustustuhan ng ilang celebrities at mga netizens ang naging pahayag ni Ella tungkol sa History.
Makikita sa teaser ng nasabing interview ni Ella kay Boy Abunda na labis ang pagka emosyunal ni Ella Cruz dahil sa kaliwa't kanang pambabatikos sa kanya. Natanong pa nito sa kanyang sarili, kung ano nga ba ang maling nagawa niya.
Ayon sa isang parte ng interview nito, "Saan ako nagkamali? Ano ang nagawa kong mali? May nasaktan ba ako?"
Hindi naman ito nagustuhan ng maraming mga netizens ang interview ni Ella Cruz kay Boy Abunda. Maging si Boy Abunda ay dinawit din at pinatamaan ng ibang mga netizens.
Muling binatikos ng ilan si Ella at sinabing napakagaga nito. Sinisi naman ng iba si Boy Abunda kung bakit ininterview pa nito si Ella at binigyan pa ng pagkakataon na mas mapalawak ang pagkakalat umano nito ng maling impormasyon. Dagdag pa ng ilan na nagpapavictim lamang si Ella Cruz lalo na't kinakampihan ito ng mga Marcos.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!