Enrique Gil, May Pangako Kay Liza Soberano!

Miyerkules, Hulyo 20, 2022

/ by Lovely

Magbabalik showbiz na muli si Enrique Gil ayon sa kumakalat na balita. Matapos ang ilang taon pamamahinga nito sa showbiz.

Ayon pa sa mga kumakalat na balita, wala na munang LizQuen loveteam ngayon dahil nasa ibang bansa si Liza upang tuparin ang pangarap nitong karera sa Hollywood.

Inaabangan naman ngayon ang magiging unang proyekto ni Enrique sa kanyang pagbabalik muli sa showbiz. Ayon kay Enrique, nagfofocus muna siya sa ngayon sa kanyang sarili. Nais lamang umano muna ni Enrique sa ngayon ang pagtatrabaho niyang muli sa showbiz.

Nais rin umano ni Enrique na sumubok ng panibagong genre 'yung hindi masyado nakikita ng mga manonood dito sa bansa . Nais rin nito na pang-international ang kanyang magiging susunod na project kagaya umano ng mga Korean series.

Sana umano ay maglevel up rin ang mga ginawa sa bansa. Suportado naman umano niya ang desisyon ni Liza na magtrabaho sa ibang bansa. Willing naman din umano itong maghintay para sa dalaga.  Dahil ayon kay Enrique, kapag mahal ang isang tao ay dapat suportahan mo ang mga nais nila.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo