Former Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, wala ng vital signs ng dalhin sa ospital matapos ang pag-atake sa kanya habang nasa isang campaign event ngayong araw, July 8 sa Nara, Japan.
Sa video maririnig na nagsasalita si Abe habang nasa gitna ng maraming tao nang biglang may narinig na pagsabog. Sa video, makikitang nakatayo pa si Abe matapos ang unang pagsabog ngunit maya-maya ay bigla na lamang itong bumagsak.
Ayon sa mga nakasaksi, nakitang duguan na ang Former Prime Minister mula sa leeg nito habang nakahandusay sa kalsada. Dalawang magkasunod na putok umano ang kanilang narinig. Agad naman itong isinugod sa ospital ngunit ayon sa mga reports, wala na umano itong mga vital signs.
Sa ngayon ay walang pang ibang update kung ano na ang kalagayan ng Dating Prime Minister. Patuloy naman ang pagdarasal na magkaroon ng himala at makaligtas ito.
Samantala, naaresto na ang isang lalaki na itinuturong suspek sa pamamaril kay Abe. Inaalam pa sa kasalukuyan ang motibo kung bakit ito nagawa sa dating Prime Minister.
Matatandaan, na si Abe ay isa sa mga naging matalik na kaibigan ni Former President Rodrigo Duterte noong siya pa ang nanunungkulan. Bumisita pa ito sa Davao at nakita nito ang kwarto ng Dating Pangulo na may mga kulambo pa.
Ayon kay Former Pres. Duterte, very close umano sa kanya si Abe na halos katulad na sa isang kapatid. Tatlong beses silang nagkita sa Japan at apat na beses itong bumisita sa Pilipinas. Kasama na rito ang pagbisita nito sa bahay ni President Duterte sa Davao.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!