Inaabangan na ngayon ang tambalang Gerald Anderson at Kylie Padilla.
Nagtungo na sa Switzerland sina Kylie at Gerald para sa shooting ng kanilang movie. Ibinahagi naman ni Kylie sa kanyang Instagram ang mga larawang nagpapakita na naroon na siya sa Switzerland.
"One thing I can say without saying too much is this character scared me but this story already holds a special place in my heart. See you soon Lucy," caption ni Kylie sa kanyang post.
Nagpost na rin si Gerald ng larawan sa kanyang Instagram.
Gaganap sina Gerald at Kylie sa pelikula bilang Noah at Lucy.
Ang MABX production naman ang nagproduce sa kanilang pelikula na may pamagat na A Far Away Land na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Yen Santos. Kaya naman may ilang mga netizens ang nagsasabing baka umano maulit kina Gerald at Kylie ang pagkakalink nina Paolo Contis at Yen Santos sa isa't-isa.
Ipinagtanggol naman sila ng kanilang mga tagahanga at sinabing hinding-hindi ito mangyayari sa dalawa. Sa kadahilanang, mahal na mahal umano ni Gerald ang nobyang si Julia at hindi naman tipo ni Kylie Padilla na manira ng isang relasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!