Binawian ng buhay ang ama ng Dr. Chao Yumol, ang suspek sa insidenteng nangyari sa Ateneo De Manila University, kaninang umaga July 29, 2022 sa Lamitan City, Basilan.
Kinumpirma ng Lamitan Police na ang yumao ay ang ama ni Dr. Yumol kaninang umaga around 6:30 - 7:00 A.M. Base sa report, naganap ang insidente kay Rolando Yumol habang nasa labas ito ng kanilang pinagmamay-aring tindahan sa Brgy. Maligaya.
Ayon sa pulisya, dalawang hindi kilalang lalaki ang tumumba kay Rolando Yumol habang nasa labas ito ng kanilang tindahan. Agad naman itong dinala sa Lamitan District Hospital ngunit ideneklara itong wala nang buhay.
Nagtamo ang ama ni Doctor Yumol ng apat na sugat ayon sa isang kamag-anak na humiling na huwag nang pangalanan.
Matatandaan na tatlo ang nasawi sa naganap na insidente sa Ateneo noong linggo July 24, 2022. Ito ay sina dating Lamitan Mayor Rosita Furigay, Assistant nitong si Victor Capastrano at isang Security Guard. Patong-patong na kaso ang isinampa kay Doctor Yumol dahil sa kanyang ginawa.
Sa ngayon, nagluluksa ang mga kamag-anak ng security guard ng Ateneo na nadamay lamang sa pangyayari. Hindi lubos akalain ng yumaong Security Guard na mangyayari ito.
Samantala, patuloy pa ring inaalam ng mga Lamitan Police ang nangyari sa ama ni Doctor Yumol kung may kinalaman ba ito sa insidenteng ginawa ng Doktor sa Ateneo de Manila. Nag-ugat ang galit ng Doktor nang ipasara umano ng dating Mayor ang kanilang clinic dahil kawalan ng permit.
Napakaobvious naman na May ko nalaman ang mayor ng lamitan. Gumanti sa pagkamatay ng asawa. This just shows how evil the Mayor is. Parang May dahilan talaga ang Dr. Though I condemned his way of finding justice to her claims. Now he put all his families in danger. Uubusin ng Mayor ng Lamitan. Nasaan ang batas takot sa Mayor!
TumugonBurahin