Grabe! Kris Aquino 50/50 Na Pero Ayaw Parin Pumayag Na Sustentuhan Ni Philip Salvador Si Joshua

Biyernes, Hulyo 15, 2022

/ by Lovely

"Sa tanong mo Kris Aquino sa nakaraan naming episode, kung kasalanan mo pa rin ba na hindi kinokontak sina Josh at Bimby ng kanilang mga tatay. Hindi namin kayang sagutin iyon."

Ito ang pahayag ni Cristy Fermin sa episode ng Showbiz Now Na na inupload nitong Myerkules ng hapon. Napag-usapan kasi nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa mga ama ng magkapatid na Joshua at Bimby Aquino.

Matatandaang, hindi pabor si Kris sa mga napanood niya mula sa mga shows ni Cristy Fermin na pinag-uusapan ang mga ama ng kanyang mga anak.



Ayon kay Nanay Cristy, dapat umanong ibalik nila ang tanong kay Kris kung bakit hindi kumukuntak sina Philip at James sa mga anak nila.

Kwento pa ni Nanay Cristy, bakit daw hindi kumukuntak sina Philip Salvador at James Yap sa kanilang anak kay Kris na sina Joshua at Bimby. Gayong alam naman ng mga ito ang number niya. May mga common friends ding sinabi si Kris na pupwedeng pagkunan ng numero niya.

Samantala, inamin naman ni Nanay Cristy na may naka-usap siyang source kung bakit walang komunikasyon ang mga ama ng mga anak ni Kris.

"Mayroon akong naka-usap na talagang hindi ito pwede gawin ni James Yap, dahil sa naganap noon buhat nang maghiwalay sila ni Kris. Ang usapan kasi ay may visitation rights itong si James Yap kay Bimby," kwento ni Nay Cristy.

Ngunit, hindi umano iyon tinupad ni Kris at marami pang isyung naganap. Hindi naman ito binanggit ni Nanay Cristy dahil pribado na umano ito

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo