"When it rains, it pours", pinatunayan ito ni Herlene Nicole Budol.
Sa dinami-dami ng mga dagok na pinagdaanan niya sa kanyang buhay na hindi niya sinukuan, ngayon ay sunod-sunod ang biyaya na nagpapala sa kanyang tiyaga at kabutihan.
Ang unti-unting katuparan ng pangarap niyang matiwasay na pamumuhay para sa kanyang pamilya. Pumanaw man ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang Nanay Bireng niya, tuloy-tuloy pa rin ang pangarap ni Herlene.
And her rain starts to pour this 2022.
Ang pagtanggap niya ng kauna-unahan niyang Youtube salary...
Ang pagkaroon niya ng kauna-unahang dream car...
Sunod-sunod na mga projects...
At ang pagkaroon ng sariling bahay...
Ang pag-release ng kauna-unahan niyang music video...
Ang pagkapasok niya at tuloy-tuloy na pagbardagulan sa Binibining Pilipinas 2022 competition.
Bukod sa korona na abot-kamay na niya, isang ultimate dream pa ang nakamtan ni Herlene ngayon. Iyon ay ang pagtatapos ng kolehiyo.
Taliwas sa mga humuhusga kay Herlene na mahina ang utak, heto ang Squammy at Hipon na minaliit ninyo. Bachelor of Science in Tourism Management graduate, Binibini number 8 Nicole Budol.
Bitbit ni Herlene sa kanyang graduation ang litrato ng kanyang yumaong Nanay Bireng at kasama naman niya ang Tatay Oreng niya. Ang dalawang tao na ayon kay Herlene, her priceless blessings in life, and that she wouldn't be where she is right now without them both that serves as her support and inspiration.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!