Herlene Budol Ito Ang Ginawa Para Sa Mga Bata At Matatanda Sa Missionaries of the Poor!

Martes, Hulyo 19, 2022

/ by Lovely

Bb. Pilipinas 2022 candidate na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang Hipon Girl ay muling pinahanga ang mga supporters dahil sa kanyang ginawa.

Sa latest post ng kandidata ay makikita ang kaganapan sa Missionaries of the Poor kung saan siya bumisita. Nagdala din ito ng mga pagkain para sa mga matatanda at mga batang may  kapansanan. Nakipagsayawan din ito sa mga bata.

Nagsilbing inspirasyon din si Herlene sa karamihan dahil sa pagiging mabuting tao ni Herlene . Ayon kay Herlene, napaka priceless ng feeling ng paggawa ng mabuti para sa ibang tao.



Narito ang buong post ni Herlene,

"Visiting elders & children with disabilities.

Mga Hiponatics, Napaka priceless ang feeling kapag gumawa ka ng mabuti para sa ibang tao. Kaya sobrang thank u kay Sir Wilbert Tolentino sa pag mentor at pag gabay sa journey ko.
Sobra po akong na enlighten sa pag sali sa prestihiyosong patimpalak ng Binibining Pilipinas. yung alam ko may purpose ako at hindi lang batayan sa ganda. Bonus nalang kung palarin si Hipon Girl nyo kung maka sungkit ng isang Corona. Manalo man o matalo ako sa patimpalak. atleast masasabi ko sarili ko na worth etong pag sali ko sa pageant. Thank u lord sa lahat ng blessings na tinatamasa ko ngayon.
To my Nanay Bireng in heaven. sana proud ka sa mga Achievement ko. Mahal na mahal kita at gagawin ko etong inspirasyon at gagalingan ko performance ko sa darating na Coronation night - July 31, 2022."

Sinabi ni Herlene na manalo o matalo man siya sa Bb. Pilipinas ay alam niyang worth it ang kanyang pagsali.

Kitang-kita naman ang tuwa sa mga mukha ng mga bata at matandang binisita ni Herlene.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo