Napuno ng kontrobersiya ngayon ang afro hair look photoshoot ni Bb. No. 8 Herlene Budol.
Agaw-pansin ang ganda at aura ni Herlene sa nasabing photoshoot pero ang nakakalungkot, hindi ang ganda niya ang pinapansin ng ilang mga netizens.
Ang nasabing photo ni Herlene na ipinost niya ay may caption na,
Ayon sa mga bumabatikos, isa umano itong cultural appropriation. May iba namang mga netizens na nagtatanggol kay Herlene at sinasabing unfair naman umano iyon dahil kung ang isang afro ay nagpaunat ng hair ay walang cultural appropriation ngunit kung ang isang straight ang hair na gumaya sa mga afro, cultural appropriation agad.
Agad namang ipinagtanggol si Herlene ng kanyang Manager na si Wilbert Tolentino.
"I don’t see anything wrong with her hair. Was she even mocking dark skin? Was the picture even discriminating certain race? Saan ang paglabag sa cultural appropriation doon? Pinasuot lang ang Afro sa kanya. Afro has been around and artists use it for many photoshoots.
Drag queens are even wearing afro for their shows, ganun din ba tingin nyo sa kanila. Besides, prehistorically we Filipinos are naturally curly.
That’s the statement we want to convey. Embrace our all types of hairstyles. Straight, wavy, short, curly, long, afro or not.
We apologize for those who got offended. But rest assured, we don’t violate any laws, discriminate any race or any minorities. That’s not the intention."
Noon pa man ay binabatikos na ang ilang mga models sa paggamit ng Afro hairstyles sa mga photoshoots. Ngunit, kapansin-pansin naman na walang bad reaction mula sa mga black community.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!