Herlene Budol aka Hipon Girl, palaban na palaban. Umpisa palang ng grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022.
Makikita sa preliminary competition palang ay sobrang wagi na si Herlene. Very confident sya sa kanyang pasarela. Ang mas nakakatuwa ay napakarami niyang supporters na nasa audience area.
Sa tuwing sya ay rarampa, maririnig ang hiyawan ng mga tao. Ayon kay Herlene, kabado diumano siya sa gabing ito pero noong makita niyang maraming tao ang sumusuporta sa kanya, nawawala ang kanyang kaba kahit papaano.
Ang gagawin niya lamang umano ay ibigay ang kanyang best performance.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!