Dapat sana'y naghahanda sa finals ngunit naiiba si Herlene dahil abalang-abala ngayon si Hipon Girl sa kanyang mga charity works.
Isa sa kanyang mga binisita ay ang tahanan ng mga elders at children with disability ng Missionary of the Poor. Bukod sa pag-aabot ng tulong , nakikipag-kwentuhan din si Herlene sa mga matatanda at nakipagkulitan sa mga bata. Nakikipagselfie din siya sa mga ito at ibinahagi sa kanyang Facebook.
Sa isang litrato ni Herlene, kasama niya ang isang matanda na nakasuot ng kulay green. May isang nagkomento sa kanyang post at sinabing kilala niya ang matanda. Ito umano si Tatay Danny na lumayas sa kanila at matagal na nilang hinahanap at inakala pang patay na ito.
May isa namang nagkomento at tinanong kung totoong kilala ba talaga nito ang matanda. May nagkumpirma naman at nagpakilalang si Joanne. Inilahad nito ang mga naitulong sa kanila noon ng matanda. Inampon umano ng kanyang lolo at lola si Tatay Danny. Napakabait umano nito ngunit naglayas ito at hindi na nila nakita. Inakala pa nilang namatay na ito. Kaya naman sobrang saya nila na muli nila itong makita.
Nakarating naman ito kay Herlene at ibinahagi niyang tumaas ang kanyang balahibo sa nangyari.
"OMG..tumaas po balihibo ko. akalain mo yung sa simpleng pag tulong ko ay may isang pamilya tayo mapagbubuklod buklod at muling makakasama ang isa't isa. gusto ko etong ma witness at ma meet yung nag comment at kasama uli si Tatay Danny sa Missionaries of the Poor.
Bumisita naman ngayong araw si Herlene sa Handicapped Center Lourdes Inc. at pinasaya ang mga batang may kapansanan. Nangako rin si Herlene na babalik siya muli rito kapag nakasahod na siya sa kanyang Youtube channel.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!