Trending ang aktres na si Ella Cruz ngayong Sabado kaugnay ng kanyang pahayag na ang kasaysayan ng bansa ay para ring tsismis.
Ang naturang pahayag ni Ella ay kanyang sagot sa tanong ng Philstar kung ano ang kanyang natutunan sa pagganap na Irene Marcos sa pelikulang ‘Maid in Malacañang.’
“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad ni Ella sa naturang panayam.
Dahil rito, pinulutan ang aktres ng mga netizen sa Twitter.
“Ella Cruz really just said our history is just mere gossip, did she even study? professors, historians, and the actual victims of our history is shook. OPEN THE SCHOOLS and lock her in,” saad ni @arastappen.
“To Ella Cruz, calling history a tsismis is an insult to all historians who spend time and money studying history,” ani @thejuannnn.
“Ella Cruz, people like you are proof that we need History back in the basic education curriculum,” pahayag ni @GerardArmoca.
“Nakakainsulto. Parang sinabi mo na equivalent lang sa tsismis ang degree ng mga kaibigan at kakilala kong Historians. I have seen their struggles. Shame on you and your kind.”
Ang Maid in Malacañang ay tungkol sa mga huling araw ng pamilya Marcos sa Palasyo noong 1986. Ipapalabas ito sa Hulyo 18.
Anong masasabi mo sa balitang ito?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!