“Huling” Pagsasamang Pelikula Ng SethDrea, Ikinalungkot Ng Mga Fans!

Martes, Hulyo 19, 2022

/ by Lovely

Kinakikiligan ng mga netizens ang muling pagsasama ng SethDrea para sa screening ng kanilang upcoming movie na Lyric and Beat. Napaka-casual at professional ng dalawa sa kabila ng kanilang break up. 

Inamin ng dalawa na noong filming ng Lyric and Beat ay hiwalay na sila. Ang project na ito ng dalawa ay nagsisilbing reunion project nila kasunod ng kanilang hiwalayan at pagkabuwag ng kanilang loveteam.

Sa presscon ng nasabing show, ay nagbigay sila ng statement tungkol sa kanilang status. Ayon kay Andrea, hindi na umano niya nakikita ang kanyang sarili na gumawa ng mga panibagong projects kasama ang ex niyang si Seth Fedelin.



 Lalong lalo na dahil may bagong ka loveteam na ito ngayon na si Francine Diaz. Magiging komplikado lamang umano ang lahat at baka malito pa ang ilang mga fans kung sino nga ba ang ka loveteam ni Seth sa kanilang dalawa ni Francine.

Umani naman ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang muling pagsasama ng dalawa sa screening ng kanilang pelikula. Nagpahayag ng saya ang mga SethDrea Fans dahil muli nilang nakitang magkasama ang kanilang iniidolo. May nagsasabi rin na napaka-mature ng dalawa dahil sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan ay nananatili pa rin silang civil sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo