First baby nina Viy Cortes at Cong TV, ipinasilip na!
Nanganak na ang vlogger at business woman na si Viy Cortes sa panganay nila ng partner niyang si Cong TV.
Kahapon, July 5, 2022 ipinanganak ni Viy Cortes via C-section si Baby Kidlat. Ilang larawan ang ibinahagi ng Viy Line Media Group na nagpapakitang successfull ang naging delivery ni Viy.
Sa unang larawan, makikitang nakahiga na sa hospital bed si Viy kasama ang ilang hospital staffs at doktor pasakay ng elevator. Sa sumunod na larawan naman ay ipinasilip nila na finally nailabas na ng safe si Baby Kidlat. Ngunit kamay lamang nito ang nasa larawan. Kapansin-pansi naman na malusog si Baby Kidlat dahil mataba ang kanyang cute na braso.
Samantala, bago sumalang sa C-section si Viy, nagpost naman ng kanyang larawan si Cong. Nakangiti ang vlogger ngunit makikita pa rin ang kaba nito. Caption niya sa kanyang post, "Hi Kidlat! Ready na si Daddy! Galingan niyo ni Mommy!"
Natutuwa naman ang milyon-milyong followers ng couple vloggers. Mula nang inanunsyo ni Viy ang kanyang pregnancy, nakasubaybay na ang mga ito. Kaagad na bumuhos ang mga congratulatory message sa mga nasabing post. Naeexcite na rin ang mga ito na makita kung sino ang magiging kamukha ni Baby Kidlat.
Sa latest photo na ibinahagi ni Viy sa kanyang social media, makikita ang kabilang bahagi ng pisngi ni Baby Kidlat. Kalakip nito ang kanyang caption, "Kayong dalawa ang mundo ko salamat Lord salamat sa biyaya."
Kitang-kita sa larawang ibinahagi ni Viy kung gaano kalusog ang pisngi ng kanyang baby.
"Ang sarap sa puso habang tinitingnan ko to. Congrats sa inyo ate," komento ni Zeinab Harake.
"Hala ang laki!! Love you Kidlat," komento naman mula sa isang kaibigan.
Samantala, sa account naman ni Cong TV ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikita silang nagpapaaraw ni Baby Kidlat. Kalakip ang nakakatuwang caption na, "Ang sarap mong kakwentuhan kahit puro iyak lang ang reply mo. I love you!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!