Ito Pala Ang Ginawang Hakbang Ni Maggie Wilson Sa Kasong Isinampa Sa Kanya Ni Victor Consunji

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Hindi nagpapatinag si Maggie Wilson sa aniyang panggigipit sa kanya ng estranged na si Victor Consunji.

"I am ready to fight," pagdedeklara ng Former actress-beauty queen. Unang inihayag ni Maggie noong Byernes, July 15, 2022 na sinubukan silang paalisin sa kanilang tirahan sa Taguig City.

Pinasok umano ang bahay nila ng top executive ng VCDC kasama ng ilang kagawad sa Brgy. Bambang.

Ang VCDC ay isang real estate company na pagmamay-ari ng real estate mogul na si Victor Consunji.

Ang ama ni Victor ang nagmamay-ari sa DMCI Real Estate Development Company.

Ayon kay Maggie, nagpakita ang VCDC executive upang i-podlock ang bahay ni Maggie dahil pag-aari umano ito ng DMCI. Kasalukuyan nasa ibang bansa si Maggie. Ang kanyang kapatid ang nakausap ng VCDC executive noong Byernes.

Hindi umalis si Beth, kapatid ni Maggie matapos maipa-abot ng huli na may contract siya sa bahay na iyon. Nawalan din ng kuryente noong byernes ang nasabing bahay ni Maggie ngunit hindi naman nagkaroon ng power outage ang lugar.

Noong sunday afternoon naman July 17 ibinalita ni Maggie na wala pa ring kuryente sa bahay niya sa Taguig.

Samantala, sinampahan din ni Victor ng kasong adultery si Maggie at business partner nitong si Tim Conner. Lumabas ang information mula sa Taguig City Prosecutors Office tungkol sa ajkto ng pakikiapid ni Maggie noong February 2022.

May petsa itong June 30, 2022 at pirmado ng Senior Assistant City Prosecutor, David Michael Go. July 8 naman natanggap ito ng Metropolitan Trial Court.



July 18, lunes tila may laman ang pagpost ni Maggie ng isang excerpt mula sa Philippine Commission on Women (PCW). Ayon sa PCW, sinasabi umano ng Gabriella Party bill, na karaniwang ginagamit ang reklamong adultery or concubinage bilang strategy para makuha ang kooperasyon sa isang support negotiations.

Ayon dito,"In many case, women who are faced by these threats are forced to forego legitimate custodial claims of their children while some are forced to give up their claims of their conjugal propeties, asets and the like."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo