Mainit pa ring pinag-uusapan ang umano'y pagbubuntis ni AJ Raval sa magiging panganay nila ni Aljur Abrenica sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi nito.
Ang ama ni AJ Raval na si Jeric Raval ang isa sa naging celebrity player ng Pwera Usog segment ng Tropang LOL nitong Hwebes ng tanghali July 21, 2022. Ang guest host na si Mateo Guidicelli ang nagtanong sa kanya tungkol sa anak niya.
"I have a daughter, may mga tsismis, how so you push it aside kasi focus ka lang sa trabaho mo?"
Ayon kay Jeric, hindi na lamang niya pinapansin ang mga isyu dahil nagbibigay lamang ito ng stress.
"Well, gaya noong bago-bago akong nag-aartista, 'pag ganoong mga intriga, pasok lang dito, labas doon," sabay turo sa kanyang tenga.
"Kasi kasama 'yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama 'yan. Kung hindi ka handa diyan , hindi para sa'yo itong trabaho na 'to."
Sanay na sanay na si Jeric sa kalakaran sa showbiz kaya tila hindi na siya apektado sa balita tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak.
Tila may kinalama din sa isyu ni AJ ang cryptic post ng kanyang ina, ang former sexy star na si Alyssa Alvarez.
"Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba," makahulugang post ni Alyssa.
Top search sa Facebook ang pangalan ni Alyssa. Tila hindi rin ito nakaligtas sa mga mata ng netizens dahil sa isyu ng pagbubuntis ng kanyang anak na si AJ.
"Linisin ko muna itong fb ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga marites, palit dp kailangan maganda ako. Tapos iinglishin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko narin messenger ko para maaway niyo ko kasi baka di na naman makatulog mga taong ito."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!