Jessie Mendiola, Napikon Sa Joke Na Maghihiwalay Sila Ni Luis Manzano!

Miyerkules, Hulyo 6, 2022

/ by Sparkle

 

Hindi nakaligtas ang mag-asawang Jessie Mendiola at Luis Manzano sa duda ng netizens na maghihiwalay din sila sooner or later.

Nagkalat ngayon ang mga pakulo at biro ng netizens at ito na nga, laman ngayon ang actor/host na si Luis sa memes.

Naging basehan kasi ngayon sa social media ang pag-iyak ng groom para malaman kung magsa-succeed ba ang relasyon sa asawa o hindi.

Did Luis cry on his wedding? Yes! Kaya naman naihilera siya kina King Badger, Tom Rodriguez, Aljur Abrenica, at ang kahihiwalay lang na si Jason Hernandez.

Marami ang natawa sa meme pero si Jessie, mukhang hindi nagustuhan ang biro kaya naman napa-comment ito and said, “Never wish ill on others. Masyado nang maraming negativity sa mundo. ‘Wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma.”

Well, she’s stating facts pero pangangantyaw na naman ng netizens, “‘Wag pikon, Jessie! Biruan lang naman ‘to!”

Anong masasabi mo sa balitang ito?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo