Judy Anne Sinupalpal Matapos Ikatwiran Ang Mahal Na Bilihin Kaya Hindi Makagawa Ng Content

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Lovely

Umani ng samu't-saring reaction at komento, ang pahayag ng dating Master Chief contestant na si Peebles matapos nitong magbigay ng opinyon sa naging pahayag ni Judy Anne Santos. Hindi pa gumagawa ng panibagong vlog si Judy Anne at hindi muna nagluluto dahil sa umano'y pagmahal ng bilihin ngayon.

Sa guesting ni Judy Anne sa isang noon show sinagot niya ang mga katanungan ng mga netizens, kung bakit hindi pa siya gumagawa ng bagong episode sa kanyang cooking vlog. Ayon kay Judy Anne,

"Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. Ayaw kong di maka-relate 'yung viewers sa kung ano mang lutuin 'yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman 'di ba?"



Samantala, agad namang nagbigay ng opinyon si Peebles Cunanan  na isa sa mga naging contestan ng Master Chef.

"Diskarte ghorl.. mag-isip ka ng mga puwede mong ipalit na ingredients juicemio.. palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh.. Ang pagtaas ng mga bilihin normal 'yan, ang hindi normal yung Chef ka tapos hindi alam dumiskarteng mga puwede mong gamiting ingredients sa pagluluto... Paano kung mumurahinng ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni... chozzzz.. Tabehhh.. turuan kita.. bet mo..."

Nagbigay naman ng sari-saring komento ang mga netizens sa pahayag na ito ni Peebles, may mga hindi pumabor sa kanya at sinabihan siyang bitter at kaya hindi nanalo sa contest noon dahil sa ugali nito. May nagsabi pa na tila nagpapapansin lamang ito.

May mga pumabor naman sa sinabi ni Peebles na dapat maging madiskarte. Dahil sa mahal ng bilihin ngayon dapat nang may naiisip na mga alternatives sa pagluluto para kahit papaano'y nakakatipid.

( Hide )
  1. Cgro, hindi pang masa na chef c juday....kc d b? Ganun talaga.....may pang sosyal na chef at may pang masa na chef....kaya cgro hindi sya maka relate na mataas na bilihin......comment lng po ha....🤗🤗🤗 Peace tayo...🙏🙏🙏

    TumugonBurahin
  2. Di kung pangmayaman lang na pagkain kaya nya di tayo kasali dun pangmahirap lang na pagkain kaya ko e pero masarap pa rin nman

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo