Julie Anne San Jose, Binigyan Ng Warning Tungkol Kay Rayver Cruz!

Huwebes, Hulyo 21, 2022

/ by Lovely

Inamin ng aktor na si Rayver Cruz na ito na ang pinakamasayang kaarawan niya. Ito ang sinabi niya nang hingan siya ng komento sa programang All Out Sundays nitong nagadaang linggo. Kung saan binigyan siya ng isang birthday celebration.

May production number si Rayver Cruz at ng kapatid niyang si Rodjun Cruz at asawa nitong si Dianne Medina. Nakasama rin nito ang ilan sa kanyang mga pinsan.

Pagkatapos nito, hiningan siya ng komento ni Christian Bautista ang mga kaanak nito, kung anong warning daw ang kanilang maibibigay sa future girlfriend ng binata. Dito, isa-isang nilaglag ng mga ito si Rayver habang natatawa lamang si Julie Anne na katabi ng binata.

Ayon kay Geneva, hindi na umano siya makapaghintay na magkaroon ng pamangkin at excited na sila. Sinabi naman ni Sunshine, na kailangang magaling magsaing ang mapapangasawa nito dahil malakas itong kumain ng rice.

Samantala, ayon naman kay Rodjun kailangan umanong bigyan ng time dahil minsan hindi ito namamansin kapag busy sa paglalaro. Saad naman ni Dianne, kailangan umanong magkaroon ng patience dahil hindi kaagad ito nagrereply kapag busy ito sa paglalaro.

Ngunit dahil, iba umano ang pagmamahal nito kay Julie kaya nasabi ni Rayver na handa niyang itapon ang celphone para sa dalaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo