Hindi talaga umano nagpapakabog pagdating sa pasarela at awrahan ang representative ng Angono, Rizal sa Bb. Pilipinas na si Herlene Nicole Budol.
Hindi umano nalalayo si Helene sa Ms. Grand International 2021 na si Nguyen Thuc Thuy Tien at hindi umano malabong mangyari na si Herlene ang susunod na mapapasahan ng korona ni MGI 2021 para maging Miss Grand International 2022.
Tingnan ang pasarela ng Miss Grand International 2021 at ng napupusuan ni Mr. Nawat sa Bb. Pilipinas candidates, na walang iba kundi si Bb. No. 8 Herlene Nicole Budol. Ito umano ang halatang favorite ni Mr. Nawat sa Bb. Pilipinas candidates dahil ito lamang ang bukod tanging ibinida ni Mr. Nawat sa kanyang Instagram stories.
Deserving naman si Herlene at makikita naman na sa kabila ng mga pinagdaanan niya, ay nananatili pa rin siyang determinado na tapusin ang laban. Katulad ng ipinangako niya sa kanyang manager at sa kanyang Nanay Bering na ipapanalo niya ang kanyang laban sa Bb. Pilipinas 2022 pageant.
Ipinagdadasal naman ngayon ng kanyang mga fans na sana'y ito na ang magiging successor ni Tien sa Miss Grand International pageant at hihirangin si Herlene bilang kauna-unahang Pilipina na mag-uuwi ng korona bilang Miss Grand International.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!