Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Kapamilya actor. Dahil sa mga naging pahayadg niya noong nakaraang araw na tila nagpapahiwatig na balang araw ay iiwan niya ang mundo ng showbiz.
Ayon sa kanya, kapag wala siyang trabaho sa showbiz ay inilalaan niya ang kanyang panahon sa pagsisimba. Dito umano niya natagpuan ang isa pang purpose ng kanyang buhay.
Ayon pa kay Edward Barber, "Nahanap ko yung balance sa buhay ko sa labas ng industy at yung ginagawa ko sa loob ng industry. May mga bagay na I'm not willing to sacrifice it or mas importante yun kesa yung job here and there sa loob ng industry."
Nagpapasalamat naman si Edward sa ABS-CBN dahil sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya.
"I love ABS-CBN. I love my family here. But at the end of the day, it is work. And I have other people that I love too outside... I wanna be in a ministry which is not a priest but a pastor. Maybe one day."
Nilinaw naman ni Edward na hindi niya agad iiwan ang showbiz dahil napamahal na rin siya rito at marami pa umano siyang gustong marating bilang artista.
Matatandaang nagpabaptize si Edward Barber at naging Christian noong nakaraang taon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!