Ngayong tapos na ang election, inamin ni Karla Estrada na pinag-iisipan niya ang sunod niyang hakbang. Nasabi rin niya na may TV network na naghihintay sa kanya.
Si Karla Estrada ay tumakbo bilang third nominee ng Tingog Party-list nitong 2022 elections. Pumangatlo ang naturang party-list ni Karla sa mga nanalo pero dalawang sets lamang ang nakapasok. Hindi nakapasok si Karla dahil siya ang third nominee ng Tingog.
Tanong ngayon, ipagpapatuloy na ba ni Karla ang kanyang career sa showbiz o itutuloy ang pagtulong sa kinabibilangang party-list?
"Very early to tell or say, kung ano yung next step di 'ba?," ani Karla sa vlog ni KaladKaren nitong June 25, 2022.
"But definitely hindi naman tayo pwedeng mawala na sa showbiz dahil karugdtong na ng pusod ko iyon," dagdag pa ni Karla.
Thirty years na umano siya sa industriya at balak pa niyang magtagal. Pero walang binanggit na specific detail ang aktres-host ukol sa pagbabalik showbiz.
Mas nagbigay detalye naman siya sa vlog ni Cristina Gonzales Romualdez noong January 27, 2022. Kinumusta si Karla matapos ang election season.
Sagot ni Karla, "Parang tumahimik ang mundo ko. Sabi ko, 'ano na ang nangyayari? After election parang wala na, wala ka ng ginagawa. 'Yun pala, ito yung time na tinatawag nilang transition. So sa transition time after 3 months of campaign, parang nagkaka-anxiety attack 'yung feeling."
Sa puntong ito nabanggit ni Karla na may TV network na naghihintay sa kanya. Sabi niya,
"There's network that is waiting for me, na kung okay ako doon. Okay ako dito."
Hindi naman binanggit ni Karla kung anong network ang naghihintay sa kanya. Ngunit bago ang election ay highly identified siya as a Kapamilya.
Inamin din ni Karla na nanlumo siya sa Party-list at kinunsidera ang pamamaalam sa showbiz para tumutok sa public service.
Pag-amin niya, "Hanggang sa oras na ito nakalutang ang lahat ng plans ko, because I still don't know kung ano ang nangyayari pa. But of course it's just waiting game. Siguro dahil workaholic talaga tayo sobra, hindi lang ako sanay na walang ginagawa eh."
Dagdag pa nito, "Ito 'yung parte ng buhay ko na kailangang lagyan ng napakaraming pasensya."
Kamakailan ay napa-ulat din na magkakaroon ng guest appearance si Karla sa Magandang Buhay upang pormal na magpa-alam sa show. Bago ang election campaign si Karla ay regular host sa Kapamilya morning talk show kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!