Katotohanan Sa Pagkakadawit Ng Pangalan Ni Hans Alcanzare Sa Sikat Na Vlogger Na Si Zeinab! Alamin

Lunes, Hulyo 11, 2022

/ by Lovely

Tweet ni Zeinab Harake tungkol sa paghahanap ng tamang lalaki, usap-usapan na naman ng mga netizens.

Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang tweet ng vlogger na si Zeinab tungkol sa paghahanap ng Mr. Right.

Nitong nakalipas na araw, nagviral ang Tiktok video ni Zeinab na may kasamang lalaki na nakilalang si Hans Alcanzare.

Hinala naman ng mga netizens na si Hans ang bagong nagpapatibok ng puso ni Zeinab. Ngunit mariing pinabulaanan ng manager ni Zeinab na may relasyon ang kanyang alaga at si Hans. Maging si Zeinab ay itinanggi rin na mayroon na siyang bagon karelasyon.

Biro pa ni Zeinab, "Dapat ay kalmahan lang upang maluto ang kanyang love life."

Karamihan naman sa kanyang mga followers ay masaya para sa kanya dahil tila unti-unti na itong nakakabangon mula sa pagkakalugmok.



Samantala, muli na namang napansin ng mga netizens ang bagong tweet ni Zeinab kung saan makikita ang litrato niya na may kayakap na lalaki. Hindi makikita ang kanilang mukha sa nasabing larawan. Saad naman ni Zeinab sa caption, "Looking for the right Mr. Black? Shh.."

Sa kabilang banda, may nagsasabi ring huwag umano magmadali ni Zeinab na pumasok muli sa isang relasyon. Magfocus na lamang umano muna si Zeinab sa kanyang anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo