Tila nakamove-on na si Zeinab Harake sa kanyang dating kinakasama na si Skusta Clee.
Matapos ang pagdadalamhati nito sa pambababae ni Skusta Clee at pagkalaglag ni Baby Moon, makikita na ngayon si Zeinab Harake na may ngiti sa labi. Kasama ngayon ni Zeinab ang isang lalaki na hinuha ng mga netizens na naging dahilan ng matatamis na ngiting ito ni Zeinab.
Tila nahanap na ni Zeinab ang lalaking muling magpapabalik ng mga ngiti sa kanyang mga labi at magpapabilis ng tibok sa kanyang puso.
Usap-usapan ngayon ang isang Tiktok video, kung saan makikita si Zeinab na naglalambing sa isang gwapong lalaki. Tila kuha ang nasabing video sa loob ng isang Bar. Mapapanood na nakaupo ang lalaki ng nilapitan ito ni Zeinab at niyakap. Napangiti naman ang lalaki sa ginawa ni Zeinab at gumanti ng yakap.
Dahil dito, hinuha ng mga netizens na ito na ang lalaking nagpapasaya ngayon kay Zeinab.
Matatandaan, na kamakailan lamang ay ipinagmalaki ni Zeinab na nakatanggap siya ng isang bouquet of flowers sa mga netizens. Bagamat, tinikpan nito ang pangalan kung kanino ito galing, iniisip nagyon ng mga netizens na sa kasamang lalaki ni Zeinab sa Tiktok video ito nanggaling.
Ang lalaking kalambingan ni Zeinab sa nasabing Tiktok video ay kinilala ng mga netizens na si Hans Alcanzare na isang Civil Engineer at Chef.
Makikitang may larawan noon na kasama nina Zeinab at Skusta Clee si Hans. Kaya marami ang nagtatanong kung si Hans nga ba ang ipinalit ni Zeinab sa dating pwesto ni Skusta sa kanyang puso.
Matatandaang present din si Hans noong nakaraang birthday celebration ni Baby Bia.
Samantala, masaya naman ang kanyang mga tagahanga sa panibagong step ni Zeinab, ang pagmomove on.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!