Nabash ng husto ang aktres na si Ella Cruz dahil sa naging pahayag niya tungkol sa history. Ngayon, dinipensahan naman ng kolumnistang si Cristy Fermin ang controversial actress.
Matatandaang, mula noong weekend ay trending na ang aktres na si Ella Cruz matapos nitong ihalintulad sa tsismis ang kasaysayan. Ito ang kanyang sagot ng tanungin siya kung ano ang natutunan niya ng gawin ang pelikulang Maid in Malacanang.
Isa si Ella sa naging topic nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang digital show na Cristy Ferminute. Aniya, wala naman umanong mali sa sinabi ni Ella, kung tutuusin maganda pa umano ang sinabi nito.
"Alam mo Romel, wala akong nakikitang masama dito. Ginagamit ko nga 'yan eh pag-new year's resolution. 'Ano ang new year's resolution mo?, ahyy naku, it's like history, it repeats itself.'," saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, "Ang ganda naman ng pagkakasabi ni Ella 'di ba? Minsan may tinatanggal, minsan may idinadagdag at depende pa sa pananaw ng nagbibigay interpretation, kung may bias o wala."
Sumang-ayon naman kay Cristy ang co-host nitong si Romel Chika.
"Atsaka, ang tao naman ang nagbigay ng meaning. Hindi nila naunawaan 'yung post na 'History is like tsismis'. Hindi naman 'History is tsismis' iba naman 'yun," sabi ni Romel.
Hirit naman ni Cristy, isa itong maagang promotion sa pelikula gayung hindi pa ito ipinapalabas.
Samantala, nakatakdang ipalabas ngayong buwan ang pelikulang Maid in Malacanang kung saan ginagampanan ni Ella ang papel ni Irene Marcos. Makakasama niya rito sina Ruffa Gutirrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga at Kristine Reyes na gaganap bilang Pamilya Marcos.
Samantala, kung positibo ang komento ng kolumnistang si Cristy Fermin kabaliktaran naman ang opinyon ng kolumnistang si Lolit Solis.
"Nagreact lahat dahil hindi mo akalaing may isang bobita. Ganito kabobong tao sa mundo," opinyon ni Lolit Solis.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!