Kris Aquino Barang Ang Sanhi/ Mga Kaibigan Nakiusap Na Itigil Na Ito

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Hindi naniniwalang nakulam si Kris Aquino base sa kaibigang card reader ni Aiko Melendez na si Jovie Vargaz.

Natanong ni Kon. Aiko si Jovie sa panayam niya rito para sa kanyang Youtube vlog. Tanong nito, kung ano ang nakikita niyang lagay ni Kris sa kasalukuyan.

Ayon kay Jovie, mas makakabuti umano na mas tutukan ni Kris ang kanyang kalusugan kaysa sa makialam siya sa mga isyu sa pulitika at showbiz. Tila bumibigay na umano ang katawan niya. Nananawagan din ito na ipagdasal si Kris at ang kalusugan nito.

Dagdag pa nito, lubos na kailangan ni Kris ang umiwas sa stress.



Samantala, nang lumipad si Kris patungong Houston, Texas ay inakalang tuluyan nang magagamot at gagaling ang Queen of all Media na si Kris Aquino. Nasa Houston ang magagaling na mga doktor at magagandang hospital, ayon kay Cristy Fermin. Ang hospital umano kung saan naka-confine si Kris ay ang pinakamaganda at pinakamahal na hospital.

Ngunit, pagkalipas lamang ng ilang linggo nabalitaan ni Cristy Fermin na lilipat ulit ng hospital si Kris Aquino base sa kwento nito sa kanya. Hindi umano alam kung lilipad ba silang muli at maghahanap ng bagong ospital.

Naikwento rin na labis na nag-aalala ang mga ate ni Kris dahil 'yung mga gamot ay emeepekto diretso sa veins sa puso na maaring ikapahamak nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo